29 C
Dapa
Saturday, October 14, 2023

Featured Post

Isang 22-wheeler truck, tumagilid sa Batasan Tunnel sa QC

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Tumagilid ang isang 22-wheeler truck habang binabaybay ang Batasan Tunnel patungong Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Nagdulot ng pagbibigat sa daloy ng trapiko ang nasabing aksidente, ayon sa tweet ni James Agustin ng GMA Integrated News.

Nangyari ang aksidente bandang alas-tres ng umaga, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Dobol B TV.

Hanggang nitong 6:30 ng umaga ay hindi pa naiaalis ang truck sa kalsada.

Isinara muna pansamantala sa mga motorista ang westbound lane ng tunnel patungong Quezon Memorial Circle para mahila ang truck patayo at maialis na, at para malinis na rin nang tuluyan ang daan na may langis at buhangin galing sa truck.

Pinayuhan ang mga motorista na kumanan na lang sa Commonwealth Avenue at mag-U-turn para makapunta sa direksyon ng Quezon Memorial Circle.

Ayon sa driver ng truck, galing silang San Mateo, Rizal at patungo sanang Cavite upang i-deliver ang kargang buhangin nang sila ay maaksidente.

Hindi raw niya agad nakabig ang manibela sa pakurbang bahagi ng tunnel, at nawalan na siya ng kontrol kaya’t tumagilid ang truck.

Saad ng driver, hindi raw siya nakatulog, at hindi naman ganoon kabilis ang kanyang takbo.

Tumagas ang langis at tumilapon ang kargang buhangin nang tumagilid ang truck.

Nagsagawa ng flushing ang Bureau of Fire Protection para maialis ang mga ito.

Nagtamo naman ng minor injuries ang driver at pahinante ng truck na kapatid ng driver.

 

 

 

Samantala, sugatan ang isang motorcycle rider matapos siyang mabangga ng isang kotse malapit sa pinangyarihan na naunang aksidente.

 

 

 

—KG, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
28.9 ° C
28.9 °
28.9 °
78 %
0.6kmh
93 %
Sat
29 °
Sun
28 °
Mon
31 °
Tue
28 °
Wed
29 °

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest Posts

Don't Miss