30.3 C
Dapa
Saturday, August 26, 2023

Featured Post

2 lalaking ‘bumabatak’ ng droga sa banyo ng BIR sa Lipa, Batangas, nabisto ng sekyu

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Naaktuhan ng isang guwardiya ang isang kakaibang “transaksiyon” na nagaganap sa banyo ng Bureau of Internal Revenue sa Lipa City, Batangas, matapos siyang may napansin na umuusok sa isang cubicle.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog na inilabas ng GMA News Feed, sinabing nakarinig ang guwardiya na tila may pinupunit sa loob nito ng cubicle hindi tunog ng papel kaya naghinala siya at nagpasiyang sumilip.

Pagkadungaw sa cubicle, namataan ng guwardiya ang dalawang lalaki na gumagamit ng ilegal na droga.

“Ako’y nagtaka kasi mayroon akong narinig na may pinupunit na kakaibang tunog. Hindi ito tunog papel. Tapos noong time na ‘yon pagkatapos kong umihi, nagmasid muna. Tapos maya-maya sinilip ko nang dahan-dahan. Noong makita kong umuusok na po, dumiretso na po akong dumungaw. Nakita ko po na nagse-‘serve’ nga ‘yung tao sa loob,” sabi ng guwardiya ng BIR.

Nakipambuno pa umano sa guwardiya ang mga suspek pero nadakip din sila ng kapulisan.

Nakumpiska pa sa dalawa ang natirang drug paraphernalia.

Mga kliyente umano ng BIR na nag-aasikaso ng mga dokumento ang mga suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na dati nang nakulong ang isa sa kanila dahil din sa ilegal na droga.

Itinanggi naman ng mga suspek sa mga awtoridad na magkakilala sila. Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Mas maghihigpit pa ang BIR sa mga pumapasok sa kanilang tanggapan matapos ang insidente. — FRJ, GMA Integrated News
 

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
30.7 ° C
30.7 °
30.7 °
65 %
5.1kmh
88 %
Sat
31 °
Sun
30 °
Mon
31 °
Tue
28 °
Wed
27 °

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest Posts

Don't Miss