28 C
Dapa
Wednesday, October 25, 2023

Featured Post

Vape shop sa Pasig, nilooban; inside job angle, iniimbestigahan

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Na-hulicam ang panloloob ng mga kawatan sa isang vape shop sa Pasig City.

Sa kuha ng CCTV sa labas ng tindahan, nakitang isinara ng isang tauhan ang vape shop pasado alas-dose ng hatinggabi, ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa Unang Balita nitong Martes.

Pag-alis ng tauhan, maya-maya ay may pumaradang sasakyan sa harap ng tindahan.

Bumaba ang dalawang suspek at matapos ang limang minuto ay lumabas sila na may dalang mga sako. Agad silang umalis lulan ng sasakyan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nabuksan ang mga padlock ng tindahan gamit ang susi na dala ng tauhan ng vape shop.

Kuwento ng tauhan ay dinukot siya sa kanto, hinawakan sa leeg, at ipinasok sa kotse.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at ang posibleng inside job na nangyari.

“Parang very convenient. Kasi even ‘yung susi, alam na nila eh,” ani Rica Belita, may-ari ng vape shop.

Nadiskubre ring tumigil ang recording ng CCTV sa loob ng shop ilang oras bago naganap ang panloloob ng mga kawatan.

Nasa kustodiya na ng Pasig Police ang tauhan ng vape shop.

Ayon naman kay Belita, humigit-kumulang P200,000 ang nawala dahil sa insidente, at kabilang na dito ang mga devices, phones, paninda, at mga toys na naka-display. —KG, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
25.6 ° C
25.6 °
25.6 °
93 %
1.9kmh
100 %
Tue
26 °
Wed
31 °
Thu
31 °
Fri
31 °
Sat
29 °

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest Posts

Don't Miss