27.9 C
Dapa
Tuesday, September 27, 2022

Featured Post

Menor de edad, binaril ng kinakasama ng kanyang tiyahin dahil umano sa internet connection

- Advertisement -

- Advertisement -

Patay ang isang menor de edad sa Imus, Cavite, matapos barilin umano ng kinakasama ng kaniyang tiyahin dahil daw sa naka-unplug na internet connection.

Ayon sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Martes, tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ng 12-anyos na biktima.

- Advertisement -

Biyernes daw ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pera ang suspek na si Reynaldo Managan at kaniyang kinakasama na tiyahin ng biktima.

Matapos nito, nanuod daw ng TV ang suspek at napansing nawalan ito ng signal. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang na-unplug pala ang koneksiyon ng kanilang internet.

Kinumpronta raw ng suspek ang biktima hanggang sa kumuha na siya ng baril at binaril ang bata.

Dead on the spot ang biktima habang nakatakas naman ang suspek na napag-alamang isang dating sundalo. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. —KBK, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
27.4 ° C
27.4 °
27.4 °
82 %
3.6kmh
100 %
Tue
27 °
Wed
28 °
Thu
27 °
Fri
28 °
Sat
28 °

Latest Posts

Don't Miss