28.6 C
Dapa
Monday, October 3, 2022

Featured Post

Mag-asawang naka-motorsiklo, tumilapon dahil sa malalim na lubak sa Quirino Highway

- Advertisement -

- Advertisement -

Sugatan ang isang babae matapos silang tumilapon ng kaniyang mister sa sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Quirino Highway sa Quezon City.

Ayon sa isang ulat ni Mai Bermudez sa “24 Oras” nitong Linggo, madilim ang kalsada kaya hindi napansin ng driver ang malalim na uka sa kalye.

- Advertisement -

Nawalan ng malay ang babaeng biktima at nagtamo ng sugat sa ulo. Nadaganan din ng motorsiklo ang kanang binti ng babae.

Nagtamo naman ng galos sa siko ang driver.

“Dapat hindi nila pinapabayaan ‘yong ganiyan kasi talagang delikado lalo na sa mga motorista,” ani Leo Gerbolingo, driver ng motorsiklo.

Mahigit isang oras naghintay ng ambulansiya ang biktima. Dinala siya sa East Avenue Medical Center.

“Sa lahat ng nagmo-motor lalo na dito sa Quirino Highway, medyo ingat-ingat na lang din po dahil madilim tapos may mga potholes dahil sa tag-ulan,” ani Joey Bulauitan, presidente ng Tagaligtas Riders PH. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
29.8 ° C
29.8 °
29.8 °
70 %
3.8kmh
96 %
Mon
30 °
Tue
31 °
Wed
31 °
Thu
30 °
Fri
31 °

Latest Posts

Don't Miss