26.8 C
Dapa
Thursday, February 8, 2024

Featured Post

Lalaking sangkot umano sa holdap, pagpatay at tangkang pagsunog sa Masbate, huli pakatapos ng 10 taon

- Advertisement -




- Advertisement -

Nahuli na matapos ang mahigit isang dekadang pagtatago ang isang lalaki na sangkot umano sa pangho-holdap, pagpatay, at tangkang pagsunog sa kanilang biktima sa Masbate noong 2010.

- Advertisement -

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras nitong Biyernes, sinabing isinagawa ng mga tauhan ng Regional Operations Unit ng Calabarzon Police ang operasyon sa isang liblib na bahagi ng Ibaan, Batangas, kung saan nagpanggap silang bibili ng panabong na manok.

Nang makumpirma na ang kanilang pakay, dito na nagpakilala ang mga awtoridad at pinosasan si Herminio Maldo.

Base sa Calabarzon Police, nasangkot si Maldo sa karumal-dumal na krimen sa Claveria, Masbate kung saan matapos holdapin ang kanilang biktima, pinatay nila ito at sinubukan pang sunugin ang katawan.

Una nang nadakip ang kasama ng suspek sa pagpatay, ngunit natagalan ang pagdakip kay Maldo dahil maliban sa paiba-iba ng tirahan, nagpalit din siya ng pangalan.

Sinusubukan pang kunan ng GMA Integrated News ng pahayag ang suspek. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
clear sky
23.1 ° C
23.1 °
23.1 °
90 %
2kmh
0 %
Thu
23 °
Fri
30 °
Sat
28 °
Sun
30 °
Mon
30 °

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest Posts

Don't Miss