27.4 C
Dapa
Sunday, August 14, 2022
HomeGeneralKasambahay na OFW, nagbago ang buhay dahil sa iniwang pamana ng amo

Kasambahay na OFW, nagbago ang buhay dahil sa iniwang pamana ng amo

- Advertisement -
- Advertisement -

Hindi inakala ng isang Pinay OFW na nagtrabahong kasambahay sa Hong Kong na pamamanahan siya ng kaniyang among senior citizen ng mga ari-arian na aabot sa milyon-milyon piso ang halaga.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ikinuwento ni Daisy Bucad-Eng, na mula sa Mountain Province, na 16-anyos lang siya nang mabuntis at magkaroon ng asawa.

Para mabuhay ang pamilya, nagtinda si Daisy ng asin.

Ngunit dahil sa hindi sapat ang kaniyang kinikita sa pagtitinda ng asin, nagpasya si Daisy na gayahin ang mga kapitbahay na nagtrabaho sa Hong Kong bilang kasambahay.

Pero hindi naging maganda ang kalagayan niya sa una niyang amo kung saan nasa dalawang oras lang ang kaniyang pahinga.

Ikinalungkot din ni Daisy nang malaman ang nangyayari sa kaniyang mga anak na madalas daw nasa lansangan.

Kinalaunan, nakalipat ng amo si Daisy sa isang senior citizen na Portuguese na si Marie.

Umaabot lang noon sa 900 HK dollar o katumbas ng P2,700 bawat buwan ang kaniyang sahod.

Hindi man malaki ang sahod, itinuturing pa rin ni Daisy na suwerte siya dahil itinuring siya ni Marie na isang kamag-anak.

Nang ayaw tumira ng among si Marie sa home for the aged sa Hong Kong, sumama siya kay Daisy na umuwi sa Pilipinas.

Taong 2002 nang pumanaw si Marie dahil sa sakit habang nasa Pilipinas.

Hanggang sa isang araw, nakatanggap si Daisy ng sulat may sa pamilya ni Marie na nagsasaad na kasama siya sa last will of testament ng namayapang amo.

Ang 11 taong pagsisilbi ni Daisy kina Marie, sinuklian ng pamana na mga ari-arian tulad ng apartment building at stocks na milyon-milyong piso ang halaga.

“Sa mga OFW na naghihirap man kayo ngayon be patience and harwork are the key to sucess,” payo ni Daisy.

“The overall denominatior ng lahat ng ito ay yung honesty. Kung anumang trabaho ang meron ka diyan gawin mo na nang tama,” patuloy niya.

Tunghayan ang buong kuwento ni Daisy at kung papaano niya  ginamit ang kaniyang mana para mapalago ito. Panoorin ang video.

–FRJ, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Classified Ads

spot_imgspot_img

Weather Forecast

General Luna
light rain
28.4 ° C
28.4 °
28.4 °
82 %
0.7kmh
100 %
Sun
27 °
Mon
27 °
Tue
30 °
Wed
30 °
Thu
29 °

Must Read

Habagat to bring scattered rain showers over Mimaropa, 7 other areas...

0
The Southwest Monsoon (Habagat) is affecting the western parts of Southern Luzon, Visayas, and Mindanao on Sunday and will bring rain showers...

Featured Tourist Experience

Panaghiusa Festival Shore Casting and Jigging, Claver Surigao Del Norte

First Panaghiusa Festival Jigging and Shore Casting 2022

0
GOOD News to all fish anglers! The Local Government Unit of the Municipality of Claver in partnership with Taganito Mining Corporation and Marajaw Surigao...