26 C
Dapa
Saturday, February 24, 2024

Featured Post

Kambal na babae sa Australia, iisa ang boyfriend para lagi silang magkakasama

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Para lalo pang maging malapit sa isa’t isa at laging magkasama, nagpasya ang kambal na babae sa Perth, Australia na iisang lalaki na lang ang kanilang mamahalin.

Sa video ng GMA News Feed, sinabing maituturing “most identical twins in the world” ang 35-anyos na kambal na sina Anna at Lucy DeCinque.

Kahit kambal na, nagpasya ang magkapatid na magparetoke para lalo pa silang maging identical kahit gumastos pa sila ng mahigit £173,000 o katumbas ng P12 milyon.

Pareho rin sila ng gusto sa lahat ng bagay katulad ng damit, pagkain, sa kilos, porma, at pati sa boyfriend na si Ben Byrne, na 11 taon na nilang karelasyon.

Sa isang TV show sa Australia, ibinahagi nila ang kanilang buhay.

Magkakasama silang nakatira sa iisang bubong kasama rin ang kanilang ina, na itinuturing nilang best friend.

Ayon sa kambal, magkaiba ang nobyo nila noon pero nagpasya sila na iisang lalaki na lang iibigan para lalo silang maging malapit sa isa’t isa at laging magkasama.

Naiintindihan naman daw ni Ben ang sitwasyon ng kambal, at pantay ang atensyon na inilalaan niya sa magkapatid.

“If he kisses me, he’ll kiss my sister straight afterwards. There’s no jealousy,” ayon sa kambal, na sa iisang kama rin lang natutulog kasama si Ben.

Kapag handa na raw ang kambal, nangako rin sila sa isa’t isa na sabay silang magbubuntis dahil kailangang pareho ang kanilang katawan.

Ngunit pagdating sa kasal, hindi pinapayagan sa kanilang bansa o bawal ikasal ang isang lalaki nang sabay sa dalawang babae. — FRJ, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
scattered clouds
24.6 ° C
24.6 °
24.6 °
93 %
3.4kmh
45 %
Sat
25 °
Sun
30 °
Mon
31 °
Tue
29 °
Wed
30 °

Latest Posts

Don't Miss