Inaresto ng mga pulis nitong Sabado ng gabi sa Mandaluyong City ang aktor na si Jake Cuenca matapos umanong mabangga ng kanyang SUV ang isang sasakyang gamit ng mga pulis.
Ayon kay Eastern Police District director Police Brigadier General Matthew Bacay, dumaan ang SUV ng aktor at nabangga nito ang sasakyan ng mga pulis bandang alas-nuwebe ng gabi.
Hindi raw tumigil ang SUV kaya hinabol ito ng mga pulis hanggang makarating sila sa may Shaw Boulevard sa Pasig City, kuwento ni Bacay sa panayam sa Dobol B TV nitong Linggo.
Nang maabutan ng mga pulis ang SUV, doon na nakilala ang driver na si Cuenca.
Ayon kay Bacay, kasalukuyang sumasailalim si Cuenca sa medical examination nitong Linggo ng umaga.
Magkakaroon daw ng inquest proceeding nitong Linggo dahil magsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang Mandaluyong Police laban sa aktor, ani Bacay.
Wala naman daw ilegal na nakita sa loob ng SUV ni Cuenca.
Nang hinahabol ng mga pulis ang SUV, may nagpaputok at may stray bullet na nakatama sa isang driver.
Dinala sa ospital ang biktima at siya ngayon ay nasa stable condition na.
“I have instructed the chief of police of Mandaluyong to take care of all the needs of the victim,” ani Bacay. —KG, GMA News
Read more, click here: GMA News
7 Easy Ways To Make Extra Money At Home