🅞🅗 🅞🅓🅔🅣🅣🅔!!!

Oh Odette!
Sobrang kay lupit
Ang iyong hagupit
Dulot sa ami’y kay sakit
At labis na kay pait.
Mga kagamitan
Mga munti naming tahanan
Pati na pangkabuhayan
Na aming iniingatan
Sa pananalasa’y tinangay ng tuluyan.
Sa iyong paglisan
Mga bakas na iyong iniwan
Ngayo’y hindi na masilayan
Ang angking kagandahan
Ng aming kapaligiran.
Oh Odette!
Bakit ganito ang sinapit
Tumatayo pa lamang ng pilit
Sa pagkalugmok na bitbit
Ng COVID 19 na sakit.
Hindi man malaman
Kung hanggang kailan
Makakabangon ang Islang sinilangan
Ngunit mananatiling matapang
At lakas loob na lalaban.
Twing sasapit ang umaga
May dalang pag-asa
Pagkat nandiyan ang ating Ama
Na magbibigay sigla
At aalalay sa bawat isa.
Oh Odette,
Saksi kami sa iyong paghagupit
Ngunit pananampalataya nami’y mas malupit
At kami’y patuloy na kakapit
Sa pangakong sambit
Ng ating Amang nasa langit.
By: JGNR









odettesurvivor
BangonSiargao
Visit Jhet Garcia Naniong-Rosete on Facebook