26.4 C
Dapa
Wednesday, December 7, 2022

Featured Post

Ginang, patay nang tangayin ng agos sa ilog; anak at pamangkin, nakaligtas

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Nasawi ang isang ina habang nakaligtas ang kaniyang anak at pamangkin nang tangayin sila ng agos nang umapaw ang isang ilog sa Tayasan, Negros Oriental noong Linggo.

Sa ulat ni Aileen Pedreso ng GMA Regional TV News nitong Martes, kinilala ang nasawi na si Maribel Esteban, na nakita ang bangkay noong Lunes ng umaga, isang kilometro ang layo mula sa lugar kung saan siya huling nakitang buhay.

Ayon sa mga awtoridad, kasama ni Esteban ang anak at pamangkin galing sa Himamaylan City, Negros Occidental, at papunta sa boarding house ng anak at pamangkin na Grade 12 students.

Pero habang tinatawid ang Padayawan river sa Tayasan, biglang umapaw ang tubig at tinangay sila. Nasawi ang ginang at nakaligtas ang dalawang kabataan.

Hindi rin kaagad naisagawa ang rescue operation dahil sa pagkakaroon ng  pagguho ng lupa.–FRJ, GMA News

 

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
broken clouds
25.8 ° C
25.8 °
25.8 °
80 %
3.8kmh
61 %
Wed
26 °
Thu
30 °
Fri
29 °
Sat
25 °
Sun
25 °

Latest Posts

Don't Miss