28.6 C
Dapa
Monday, October 3, 2022

Featured Post

Dating pulis, arestado sa buy-bust operation sa Quezon province

- Advertisement -

- Advertisement -

Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Mauban Municipal Police Station ang isang dating pulis na taga-Mauban sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek sa si Lordson Custodio, 29-anyos, na taga-Barangay Sadsaran.

- Advertisement -

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek.

Nakuha kay Custodio ang pitong sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P15,000, at ang ginamit na marked money.

Ayon sa mga pulis, isang taon na ang lumipas nang mawala sa serbisyo si Custodio.

Batay sa record ng mga pulis, nag-positibo sa mandatory drug test na isinagawa noon si Custodio.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 si Custodio na hindi na nagbigay ng pahayag.

Ayon kay Police Captain Vanessa Sayson, hepe ng Mauban MPS, matagal na nilang mino-monitor si Custodio matapos makarating sa kanila ang reklamo ng mga residente sa pagbebenta nito ng iligal na droga. —LBG, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
29.1 ° C
29.1 °
29.1 °
74 %
3.1kmh
99 %
Mon
31 °
Tue
31 °
Wed
31 °
Thu
30 °
Fri
31 °

Latest Posts

Don't Miss