26.1 C
Dapa
Friday, February 9, 2024

Featured Post

Dating PDL, balik-kulungan matapos magpasok ng ‘sha-ging’ sa piitan

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Magbabalik sa kulungan ang isang lalaking dating Person Deprived of Liberty (PDL) matapos siyang magtangkang magpuslit ng shabu sa loob ng saging o “sha-ging” sa isang piitan sa Minglanilla, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing himas-rehas ulit si John Paul Celedoña, 28-anyos.

Sinabi ng warden ng Minglanilla BJMP Facility na dadalaw lang sana si Celedoña sa kaibigang nasa kulungan.

Dinala sa searching area ang kaniyang mga dala. Nang inspeksyunin, natuklasang may isang pakete ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng saging.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang lalaki, na dati na ring nabilanggo dahil sa ilegal na droga.

Wala siyang ibinigay na pahayag. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
scattered clouds
24.8 ° C
24.8 °
24.8 °
84 %
4.4kmh
26 %
Fri
25 °
Sat
28 °
Sun
28 °
Mon
27 °
Tue
30 °

Latest Posts

Don't Miss