27.4 C
Dapa
Wednesday, October 18, 2023

Featured Post

Criminology student, patay sa umano’y hazing sa Quezon City

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Patay ang isang criminology student sa Quezon City matapos mabiktima ng umano’y hazing, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nahirapan huminga at nawalan ng malay ang biktimang si Ahldryn Bravante, 25-anyos at isang fourth year criminology student, habang sumasailalim umano sa initiation rites ng fraternity.

Hawak na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na kapwa estudyante ni Bravante. Dalawa raw sa kanila ang nagsugod sa biktima sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.

“Wala na ho, matigas na eh. Nung dinala dun sa ospital matigas na. Ibig sabihin n’un pinatay na nila ang anak ko,” sabi ni Alexander Bravante, ama ng biktima.

Sa mga larawan, makikitang namamaga at puno ng pasa ang mga hita ng biktima. May mga sugat din siya at paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“Nakikiusap lang talaga ako, hustisya lang po, danyos, lahat ng gagastusin ng anak ko gawin nila. Atsaka dapat makulong sila. Lahat sila makulong,” ani Alexander.

Kuwento ni Alexander, Linggo nang gabi nang huli niyang makausap ang anak. Maaga raw itong pumasok nitong Lunes.

Sa imbestigasyon ng QCPD, nangyari ang hazing sa isang abandonadong gusali sa Barangay Sto. Domingo bandang 2 p.m. nitong Lunes. Idineklara siyang DOA sa ospital ganap na 6:40 p.m.

Hinuli ang dalawang estudyanteng nagdala kay Bravante sa ospital habang sumuko naman sa pulisya ang dalawa pa. Kapwa sila criminology students. —KBK, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
scattered clouds
25.1 ° C
25.1 °
25.1 °
92 %
2.1kmh
34 %
Tue
25 °
Wed
29 °
Thu
30 °
Fri
30 °
Sat
29 °

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest Posts

Don't Miss