28 C
Dapa
Friday, September 16, 2022
HomeGeneralBilanggo bistadong mastermind sa paghingi ng donasyon sa ilang senador para sa...

Bilanggo bistadong mastermind sa paghingi ng donasyon sa ilang senador para sa obispong peke pala

- Advertisement -
- Advertisement -

Sasampahan ng patong-patong na reklamo ang isang lalaking bilanggo ng Manila City Jail at ang kaniyang kasabwat matapos siyang magpanggap na obispo para makapanghingi ng donasyon mula sa mga senador na sina Tito Sotto at Francis Tolentino.

Sa ulat ni John Consulta sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Sabado, makikita sa video ng National Bureau of Investigation Special Task Force (NBI-STF) ang pagdakip sa suspek na si John Curt Resco sa may gate ng Senado sa Pasay City matapos niyang tanggapin ang voucher at marked money.

Ayon sa NBI, nakatanggap ang opisina ni Sotto ng tawag na may nagpapakilala umanong obispo sa Daet na nanghihingi ng P300,000 para sa kaniyang diocese.

Makikita rin sa cellphone ng suspek ang bilin sa kaniya ng mastermind sa panloloko.

“Vinerify namin ‘yung bishop sa Archdiocese ng Bicol, walang ganu’ng klaseng bishop. Walang nanghihingi sa kanila ng ayuda o tulong,” sabi ni Sixto Espinesin Jr., executive officer ng NBI-STF.

“Sabi niya, sabihin ko raw po, sabi nu’ng bishop. Eh hindi ko naman po kilala kung sino ‘yung bishop na ‘yun,” sabi ni Resco.

Nag-video call ng suspek at itinuro niyang mastermind ng kanilang modus operandi.

Matapos nito, pinuntahan na ng NBI ang Manila City Jail habang kasa-kasama si Resco.

Sa paghaharap ng suspek at ng mastermind, kinilala ni Rasco ang umano’y mastermind na si Dennis Jose Borbon na nakakulong dahil sa estafa.

Nagsagawa ng “Operation Greyhound” ang mga tauhan ng NBI at Bureau of Jail Management and Penology suot ang kanilang PPE.

Dito nakuha sa inidoro ng kulungan ang cellphone ni Borbon, at ang SIM card na ginamit sa pakikipag-usap ng grupo sa opisina nina Sotto at Tolentino.

Patong-patong na reklamo ang haharapin nina Resco at Borbon.

“I knew no bishop would do such a thing, and so I set him up through the Senate Sgt. at Arms and the NBI,” sabi ni Sotto sa isang pahayag.

Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang pahayag ni Tolentino.  — Jamil Santos/VBL, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Classified Ads

spot_imgspot_img

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
27.1 ° C
27.1 °
27.1 °
82 %
3.2kmh
100 %
Thu
27 °
Fri
27 °
Sat
30 °
Sun
30 °
Mon
30 °

Must Read

BINANCE and TraderWagon

0
TraderWagon is bridging the gap between experienced and new traders. As a new social Trading Platform, it offers the famous copy trading feature where...

Featured Tourist Experience

Panaghiusa Festival Shore Casting and Jigging, Claver Surigao Del Norte

First Panaghiusa Festival Jigging and Shore Casting 2022

0
GOOD News to all fish anglers! The Local Government Unit of the Municipality of Claver in partnership with Taganito Mining Corporation and Marajaw Surigao...