29.8 C
Dapa
Saturday, September 10, 2022
HomeGeneralBabae sa Pangasinan, lumobo ang mga braso at kamay

Babae sa Pangasinan, lumobo ang mga braso at kamay

- Advertisement -
- Advertisement -

Hirap sa mga gawain tulad ng pagbibihis at pagkain ang isang babae sa Pangasinan dahil sa braso at kamay niya na sobrang laki.

“Pag minsan po hindi ko na po makutsara ‘yung mga kanin. Nabibitawan ko po agad ‘yung kutsara,” sabi ni Leslie sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.

“Nabibigatan din po ako ‘pag naglalakad. Mabigat po kasi ‘tong kanan kaya po ‘yung likod ko, parang tabingi po. Nakukuba po,” dagdag pa niya.

Kapag malamig ang panahon, sinasakit din ang kaniyang braso at mga daliri.

Sa kabila ng kaniyang kalagayan, tumutulong pa rin siya sa mga magulang sa mga gawain sa bahay.

“Malambing siya. Wala po akong masabi sa anak kong iyan. Mabait talaga. Hindi ko naman po sinisisi ang Diyos po. Basta ‘yung importante po, wala siyang nararamdamang sakit,” sabi ng ina ni Leslie na si Gina.

Sa kabila ng kaniyang kondisyon, nabibiktima rin siya ng panlalait ng ilan.

“Sinasabihan po nila ako na, ‘ba’t parang gloves ‘yang kamay mo?’” naiiyak na sabi ni Leslie.

Hinala ng mga magulang ni Leslie, may kinalaman ang paglilihi ng kaniyang ina sa alimango noong ipinagbubuntis pa lang siya.

Gayunman, masaya si Leslie na nabiyayaan siya ng mga mabuting kaibigan.

Kaya naman sinubukan na rin niya ng magsayaw para sa Tiktok. Natuwa siya sa mga positibong komento na natanggap niya.

Sa tulong ng KMJS team, ipinasuri sa espesyalista ang kondisyon ni Leslie.

Tunghayan ang kuwento niya sa video ng “KMJS” at alamin kung may magagawa pang paraan upang maayos ang kaniya mga braso at kamay. Panoorin.

–FRJ, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Classified Ads

spot_imgspot_img

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
28 ° C
28 °
28 °
80 %
2.2kmh
100 %
Sat
28 °
Sun
30 °
Mon
31 °
Tue
31 °
Wed
31 °

Must Read

Featured Tourist Experience

Panaghiusa Festival Shore Casting and Jigging, Claver Surigao Del Norte

First Panaghiusa Festival Jigging and Shore Casting 2022

0
GOOD News to all fish anglers! The Local Government Unit of the Municipality of Claver in partnership with Taganito Mining Corporation and Marajaw Surigao...