27 C
Dapa
Monday, October 16, 2023

Featured Post

Babae, patay matapos umanong masagasaan sa Mabini Bridge, Maynila

- Advertisement -




- Advertisement -

- Advertisement -

Dead on the spot ang isang babae matapos umanong masagasaan sa Mabini Bridge, Sampaloc, Maynila nitong Linggo ng madaling araw.

Nangyari ang insidente bandang alas-kuwatro ng umaga, base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Super Radyo dzBB.

May naitawag daw sa MPD Homicide Division na shooting incident sa lugar ngunit nang dumating na ang mga pulis ay nakita na lamang nila ang bangkay ng biktima sa northbound lane ng tulay.

Ang hinala ng MPD ay four-wheel vehicle ang nakasagasa sa biktima dahil bakas pa ang marka ng mga gulong sa katawan nito. Mula sa leeg pababa ang tama sa katawan ng biktima.

Kung motor daw ang nakasagasa ay dapat may mga bahagi ng motor na nagkalat sa daan.

Ayon sa MPD, walang CCTV sa lugar. Kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

Nakasuot ng puting T-shirt at pulang shorts ang biktima, at walang suot na tsinelas.

Dalawang lane ang isinara pansamantala sa Mabini Bridge patungong Nagtahan habang sinusuri ng Philippine National Police-Scene of Crime Operation (PNP-SOCO) ang pinangyarihan ng insidente. —KG, GMA Integrated News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

Learn Trading and know Two Platform that easy to Start With

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
25.3 ° C
25.3 °
25.3 °
90 %
1.4kmh
86 %
Sun
25 °
Mon
27 °
Tue
29 °
Wed
30 °
Thu
31 °

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest Posts

Don't Miss