27.1 C
Dapa
Wednesday, September 28, 2022

Featured Post

2 bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Sariaya, Quezon

- Advertisement -

- Advertisement -

SARIAYA, Quezon – Dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang ilog sa may Eco Tourism Road na sakop ng Barangay Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon pasado ala-una ng hapon nitong Biyernes.

Ayon sa report ng Sariaya Municipal Police Station, nakita ng isang residenteng nagdaraan sa lugar ang dalawang bangkay sa masukal na bahagi ng ilog malapit sa isang tulay.

- Advertisement -

Tanging damit pang ibaba lang ang suot ng dalawang biktima. Nakabalot ng packaging tape ang mga mukha at nakagapos ang mga kamay at paa.

Isa sa dalawang biktima ay babae na tinatayang may edad 35- hanggang 40-anyos. Ang isa naman ay lalaki na tinatayang nasa 45- hanggang 50-anyos.

May mga sugat at pasa sa katawan ang dalawang biktima. May palatandaan din umano na sinakal din ang mga ito.

Na-recover ng mga pulis sa lugar ang isang bala at apat na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril. Posibleng itinapon lang daw sa lugar ang dalawang bangkay at hindi taga-Sariaya ang mga ito.

Sa mga oras na ito ay hindi pa matukoy ng nga pulis ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station.

Dinala na ang dalawang bangkay sa Gayeta Funeral Homes sa bayan ng Sariaya. —KG, GMA News

Read more, click here: GMA News

7 Easy Ways To Make Extra Money At Home

- Advertisement -

Weather Forecast

General Luna
overcast clouds
26.1 ° C
26.1 °
26.1 °
90 %
1.1kmh
100 %
Tue
26 °
Wed
29 °
Thu
27 °
Fri
28 °
Sat
30 °

Latest Posts

Don't Miss